Monday, June 29, 2020

What Causes a Sidewall Bubble on my Tire? (Bakit my Lobo sa Gilid ng Gulong ko)

Sa Gulong, hindi lahat ng brand ay matibay sa klase ng daan o kalsada. Ang mga gulong na binibili natin sa ating sasakyan lalo na sa mga sedan ay para lang sa kalsada at hindi pwedeng pang off road. May mga gulong na dapat lamang ginagamit sa off road at meron ding para lang sa smooth road (Common sa lahat).
Hindi dahil mura ang halaga ng tire brand mo ay magiging lobo o magkakaleak. Bakit ngaba lumolobo. Ito ay dahil sa maling tire pressure at maling gamit o aksidenteng gamit ng gulong sa mga maling daanan, tulad ng mabato, sira sirang kalsada, o di kaya ung mga may sharp objects na kalsada. Kapag nabugbog ang gulong dahil sa maling tire pressure, overloading, o di kaya dahil sa rough road, ang gitnang loob nito ay nasusugat at doon nagkakaroon ng leak kaya lumalabas ang hangin at nagpepenetrate sa gitna.

Mas maigi kung ugaliin nating icheck ang tire pressure ng mga gulong natin lalo na kapag may malayong byahe. Kelangan din natin panatilihin ang tamang load ng sasakyan upang makaiwas tayo sa aksidente.

Ang tire pressure ng sasakyan natin (PSI) limit ay makikita sa driver side door or driverside door locks.

No comments:

Post a Comment

BMW E34

BMW E34 The BMW E34 Progress take 6 Years to Complete, from Design, Production, Aerodynamics, Engine and Finalization, and Started to Sellin...